BEH-STFRIENDS

“BEH-STFRIENDS”

Bakit nga ba minsan ang gulo ng buhay? lalo na ang buhay pag-ibig?

Nandiyan ung mahal mo pero hindi ka naman mahal.

Mahal ka pero alam mo na kahit kelan hindi mo naman mamahalin.

Meron din naman na iniwan mo na pero bigla mo marerealyze na mahal mo pala talaga pero huli na kasi may iba na siyang mahal.

Hindi din mawawala iyong akala mo okay na kayo, sweet sweetan, holding hands, hug, ang saya na e! Tapos isang araw, sa hindi mo maipaliwanag na dahilan, bigla nalang nagbago ang ihip ng hangin at bigla na lang iiwasan ka na parang walang nangyari.

isa pang kwento hango sa totoong buhay iyong tipong nasa isa ka ng relasyon pero may dadating sa buhay mo na isang tao na gugulo ng tahimik mong buhay; kung saan mapapaisip ka kung masaya ka nga ba sa karelasyon mo o mas sasaya ka pag sa piling niya?

At ang pinakamasakit, ung mahal mo, mahal ka pero hindi naman pwede na maging kayo.

Ang labo ‘no?

Bakit nga ba ganon? Tayo nga lang ba ang nagpapakumplikado ng buhay natin? kasalanan nga ba natin kung bakit tayo ang nahihirapan?

Pwede naman kasi na hindi komplekado diba?

saan nga ba nagugat ang kaemohan na to?

Well(naks conyo), sabihin na natin na nag-ugat ito sa isang pangyayari nung nakaraang araw. Nagkayayaan kami umalis ng “bestfriend” ko.

Baket may quotation marks ung salitang bestfriend? ganito kasi iyon.

Back story:

Meron akong best friend at lalaki siya. (girl nga pla ako) Sabi nga nila, mahirap ang girl-boy bestfriend relationship. Imposible kung maituturing dahil 99.99% chance na either may gusto si guy kay girl or other way around. Sa kaso namin, nagkaaminan na gusto namin ang isa’t isa. Nauna siya umamin at hindi naglaon ay nahulog na nga dn ako sakanya. Pero sa simula palang ay alam ko na bawal. Na hindi pwede. Na mahirap ang sitwasyon namin.

Tanungin moko kung bakit. Bakit? Ayan, very good.

Ganito kasi. Ex-boyfriend siya ng bestfriend ko nung high school.

Simple lang na rason? Ikaw kaya sa lugar ko. Syempre ayaw mo irisk ung friendship niyo. Kasi kahit na sabihin na matagal na na wala sila, parang ang awkward pa dn na magpopost ka ng picture na masaya ka kasama ang ex niya. Umaalis kayo ng ex niya tpos nakikita niya. Sweet nyo pa sa isa’t-isa. Sakto nga nung lumabas ung issue ni Kim, Gerald at Maja nun e. Naks celebrity lang! Same situation.

Na-open ko na dun sa bestfriend ko nung high school na nagiging close kami ng ex niya. Pinakiramdaman ko lang. At may naramdaman ako na hindi maganda mula sakanya. haha. Kahit na sinasabi niya na okay lang, ramdam pa dn na ayaw niya. Shet lang. So syempre iwas ka nlng. Ayaw mo irisk ung friendship. Mas importante ung kaibigan kesa sa pag-ibig. weehhh? di nga? Plastik lang? Pero totoo syempre. haha!

Actually, dumating sa point na gusto ko ipaglaban ung nararamdaman ko dun sa guy. Kaso naramdaman ko sakanya na nagaalangan din siya. Hindi niya ako kaya ipaglaban. Kahit masakit, kahit na ayaw ko sana, nilayuan ko na lang siya.

Isang araw, nakausap ko siya ulit, at meron na siyang girlfriend. So sign na talga yun na medyo may pagka ‘jerk’ siya. Buti hindi ko nilaban. Kung hindi, baka dalawang tao pa nawala sakin nuon.

Nagusap kami. Nagkwento ako tungkol sa bagong crush ko. (syempre kunyari hindi ka affected sa nangyari) Nakwento ko sakanya ung storya ng bagong crush na medyo parehas sa ginawa niya. Hindi ko naman intensyon na magparinig sakanya pero mukhang tinamaan ata. ayun. Nagsorry siya. Nagpaliwanag kung bakit bigla siya nagdalawang isip. Kung bakit bigla siyang umatras. Pasensya daw kung parang katulad nung ginawa nung bagong crush ung ginawa niya. Na ang lakas ng loob niya na magadvise pero ginawa din niya sakin un dati.

Matagal ko naman na siya napatawad. Okay na sakin iyong nangyari. Dapat magalit ako pero ano sense? Sayang lang effort ko. Patawarin na lang.

Medyo nagkaiyakan. (or ako lang) via viber nga pala ung usapan na yon so hindi niya nakita na ngumawa ako. hahaha. dun na nagsimula ung pagiging mas close pa namin. Pag nasa alanganin ako na situation, kelangan ko magpasundo, or pag badtrip lang ako at kelangan ng kausap, lagi siya nandiyan. Daig pa boyfriend. Pero siyempre ayoko abusuhin ung summoning powers ko. Alam ko naman kung saan ako lulugar. May girlfriend ung tao eh. Bestfriend lang ako. Priority siyempre ung girlfriend.

Okay naman na ako sa platonic relationship namin. Hindi naman ako malandi or abusado. Pure friendship lang ang inoofer ko sakanya. Kahit na minsan ay lumalagpas siya sa boundary niya, ako na ang umiiwas. Respeto lang dun sa girlfriend kahit hindi kami close. Kahit na hindi kami magkakilala personally.

Isa pang reason ay meron na akong ibang gusto. kaso hindi naman ako gusto nung gusto ko. Unrequitted love ba. haha. kulet ng buhay no? Iyong tao na gusto mo, ayaw sayo.

Pero salamat na din dun sa tao at xa ang nahuhugutan ko ng lakas ng loob na umiwas at hindi gumawa ng bagay na siguradong pagsisisihan ko sa huli.

Anyway, on with the story. Dun sa part na nangyari nung isang araw na nagtrigger netong storya na to.

nagkita kami at nagkwentuhan nung bestfriend ko. Dami namin napagusapan. catching up ba. At tulad dati hindi pa dn kami naubusan ng mapaguusapan. Movies, music, events, kwento tungkol sa buhay etc etc.. Kakamiss lang ung ganong bonding namin. Hanggang dumating sa usapang pagibig.

Medyo nagkakalabuan pla sila ng girlfriend niya. *ring ring* warning sign! Iwas ka na teh! Mahirap ung mga ganyang tao kakclose!! alam mo yan. ilang beses ka na naganyan. Mga 74. lols

Nagkwento siya. Napagusapan na dn pla nila ung situation namin. Nagseselos ung girl. (which is natural naman. Kahit ako magseselos ako na may ibang bestfriend ung boyfriend ko maliban sakin tpos babae pa. tpos crush dati ng boyfriend ko. At syempre  pretty. hahaha. nagbuhat ng sariling bangko.) Ung isang close friend niya na girl pala ay pinabura na nung gf sa buhay niya. At okay lang siya dun. Tapos nung pagdating sakin, sinabi daw niya na tanggalin na niya lahat ng tao sa buhay niya wag lang ako..

Mahirap na daw humanap ng sensible na tao sa mundo. Ung tipong no-nonsense na tao. Walang arte sa katawan. Kakaiba lang magisip. (ehem.. Take note, sakanya galing lahat yan. Walang imbento. Promise!)

Syempre palakpak tenga ang ate mo! Sabihan ka ba naman ng ganon?! sige nga tingnan ko kung hindi ka magtititili jan. Pero dapat siyempre pa cool lang. Parang wala effect sayo. At least walang external manifestations.

Bigla naman din niya tinanong sakin:

“Bakit nga ba hindi kita kaya igive up? Ano ba meron ka?”

alarm bells ulet! Pero siyempre dahil umiiwas ako sa tensyon, sabi ko nlng sakanya na:

“Tinatanong pa ba yun? kasi I’m awesome! Ang bait bait ko kaya!” with matching haha sa dulo. To keep the mood light.

Bigla ako nagsingit ng iba ng topic para end of conversation na dun. Ayoko naman na pagusapan pa. Baka maungkat lang lahat at masaktan lang ako sa huli.

Back to light conversations na dn sa wakas. Inabot na din kami ng halos 2AM.

As usual, hinatid niya ako sa bahay. The perfect gentleman that you are. Kaya ka minsan napapahamak eh. hahaha..

Yan ang nagustuhan ko sayo nuon, e. Maalaga ka. Pag tumatawid, ikaw lagi pumupunta sa danger side at lagi mo hinahawakan kamay ko. Pinapagalitan mo pako pag hindi ako pumepwesto agad. Pag bababa ng jeep, ikaw nauuna tapos aalalayan moko bumaba. Maliliit na bagay na kaya naman ioverlook pero sa simpleng mga bagay na yon, ang laki ng impact sakin. Grabe ka lang magalala. Swerte lang talaga ng tao na mamahalin mo. Yon ang sabi ko sa sarili ko nuon. haha. ironic lang.

Gusto kita pero hindi talaga maaari. Ikaw na din nagsabi non.

Ang masakit lang sa part ko, pwede mo naman ilaban kaso naduwag ka. siyempre ako din naduwag. Inisip ko ung sasabihin ng ibang tao. Siyempre ikaw din ganon iniisip mo. At ang pinaka maskit sa lahat iyong sinabi mo na, sa lahat ng tama sa buhay mo with regards to me ay bestfriend ako ng ex mo. I’ll always be branded as the ex’s bestfriend.

Wala tayo magagawa. Ganon nga siguro talaga ang takbo ng buhay.

Keep it platonic. Grace under pressure. He is just a friend.

Mga bagay na tumatakbo sa isip ko nung panahon na kasama kita.

Pagdating sa gate namin, hinug moko.

Fine. Friendly hug, inisip ko. Pero nung sinubukan mo akong halikan, i snapped. Umiwas ako.

Pre, wala namang ganyanan. 😦

Ung mahal ko pa ung huli na nakakiss jan. At sana siya nalang lagi. (hopeless romantic lang.)

Pwede din na ung susunod ko na mamahalin.

Tropa tayo eh. walang ganyanan.

Wag ka naman magstep out ng boundaries mo. Utang na loob. Kung gagawa ka ng kalokohan wag ako. Please. Takot ko lang sa karma. Isipin mo iyong girlfried mo.

I never wanted to be the reserve girl. I know my worth and I deserve better than this. I don’t want to be the second option. Idagdag natin sa pet peeve ko yan. Ang maging second option.

I always gave my all in my relationships. I expect nothing less.

Kaya pag alanganin na, flee na. Ayoko na malagay sa isang situation na alam ko na ako din ang lalabas na talunan.

Iiwas muna siguro ako. Kahit na masaya ako pag kausap ka kasi alam ko may nagaalala sa kung ano man ang mangyari sakin, kelangan gawin.

yung mga tropa ko kasi na lalaki feeling nila lalaki ako. Mga walang pakialam. haha! Okay lang naman. Kaya ko naman sarili ko.

Ikaw ang tao na nnagmulat sa mga mata ko para makita ang pakpak ko. Tinuruan moko na kaya ko lumipad. Na magaling ako. Na ang laki ng value ko. Galing sa isang tao na mababa ang self confidence before, napakalaking tulong sakin non. Hindi ako magiging ako ngaun kung hindi din dahil sa mga pagpapalakas mo ng loob ko. Salamat sa paniniwala sa kakayahan ko. Dumating ka nung kelan kailangan ko ng tao na magpapakita ng worth ko bilang isang tao at lalong lalo na bilang isang babae. Kaso minsan, ikaw din ung nagcocompromise nun. Adik mo lang. Buti nlng malakas na loob ko.

salamat sa lahat at sana maayos mo na ang issue mo. I do wish the best for you. Eto ang laban na hindi kita kayang samahan. Its for the best. Trust me. The best for you and me.

Thank you for everything.

Advertisements